Thursday, October 30, 2008

Paglisan

ang maghangad ng maganda mula sa langit
ay sya kong dalangin, nawa'y maging para sayo
upang kahit saglit lamang na narito ako sa mundo
ay madama mo ang nasa loob ko.

sa iyong tingin ako'y nakuha mo
sa mga salita ako'y naging sayo
sa iyong mga yakap ako'y nabihag mo
ang buo kong mundo'y nagmistulang paraiso.

ngunit umiwas ka at hinangad na lumayo
naiwang walang saysay ang mga pangako
ang iyong paglisan ng walang dahilan
sa aking mundo naging isang kawalan!

sa paglubog ng araw at paglitaw ng buwan
dala ang dalangin na nais kong makamtan
na sana sa muling pagsikat ng araw
ikaw na syang mahal ang muling makasama.

No comments: