minsan gusto ko na lang matawa sa mga bagay bagay. iisipin ko pa ba o mabuting wag na lang? para kasing paulit ulit akong niloloko ng sarili kong buhay. masaya naman ako eh, bago sya nagtext pagkatapos ng halos matagal na ring panahon. nangamusta, nagtatanong ng ilang bagay na di ko parin maintindahan hangang ngayon kung para saan. Makalipas ang ilang palitan ng text lumabas ako ng bahay, tinatanong ang sarili ko kung ano nanaman ang gagawin ko. Bibilangin ko sana kung ilang beses ko ng tinangka na tigilan ang kalokohan na to pero sakit na yata dahil parang walang lunas. Natigilan ako saglit, napailing, hindi ko na lang bibilangin dahil nakakahiya sa sarili ko, nakakahiyang aminin na wala akong lakas ng loob. Ilang saglit pa, parang wala namang nagbago. Ganun parin sya, hindi ko alam kung ganun parin dahil yun ang pinaniwala ko sa sarili ko o talagang wala syang effort manlang na magbago. Sabi ko galit ako, pero walang bahid ng galit ang mga narinig kong salita na lumabas sa bibig ko. Bakit ba hindi ko magawang magalit? Nakatingin nanaman sya. Naalala ko bigla kung gaano ko kinakaasaran yung mga tingin na yon dati. Ewan pero wala akong maitago sa kanya, sa mga tigin nya. Kahit hindi ako magsalita alam nya lahat ng sakit na hindi ko kaya sabihin, lahat ng galit na pinipilit ko sarilihin, lahat ng lungkot na nagdadala ng pait sa mga mata ko. Alam nya lahat. Hindi ko ito nakikitaan ng kahit anong ganda dahil pakiramdam ko wala ng natitirang privacy sa buhay ko pag tumingin sya sa mata ko. Kahit ilang beses ako magpanggap na masaya mas marunong pa sya sakin. Hindi parin sya nagbago. Nandito parin yung lumang pakiramdam na para bang yung buong mundo sakin lang umiikot. Nakakasakal na mga tanong... kumain ka na ba? okay ka lang ba? wala ka bang problema? ano ginawa mo kanina? parang ako lang ang importante. Ginusto ko rin naman iparamdam sa kanya na importante sya, na katulad nya gusto ko rin malaman yung mga bagay bagay. Pero hindi nya ko binigyan ng pagkakataon. Hindi ko maikakaila, kanina habang nakatingin sya medyo natuwa ako. Matagal na panahon narin ng huli kong naramdaman na ako ang sentro ng mundo ng isang tao. Alam ko na kahit sandali pwedeng magpahinga ang mga salita dahil hindi ko sila kailangan. Palagi nga nya hinuhulaan ang nararamdaman ko, pero palagi naman syang tama. Nasa huli nga ang pag sisisi. Nangungulila na pala ko sa katahimikan na dulot ng mga sandaling yon. Ang katahimikan na dati ay nag tulak sa akin palayo.
Behind The Scenes - First Silent Film Project
14 years ago
No comments:
Post a Comment