Thursday, February 26, 2009

Guni-Guni

Nasan kaya ang mga panahon na walang pagsidlan ang saya? Tila napag iwanan nako ng mga magagandang bagay sa buhay ko na dati naman ay nandyan lang. Isang araw nagising na lang ako na puno ng takot. Bawat paghinga ay may kirot sa dibdib ko, na para bang nagbabadya ng isang masamang pangyayari. Sa katagalan pakiramdam ko nagbago silang lahat. Hindi ko naman ginusto pero sumabay ako sa pagbabago. Bakit nga ba? Masaya naman ako bilang ako. Ganun yata talaga, ang pagbabago ay hinihingi ng panahon. Sa bawat hakbang na tinatahak ko, hinanap ko yung sarili ko. Naramdaman ko na tila anino na lang ako na naglalakbay sa kawalan. At sa hindi inaasahang sandali, may nakita akong ibang tao kasama ko sa paglalakbay. Malungkot. Galit. Puno ng takot. Pinagmasdan ko sya, pero wala palang magagawa ang mga tingin. Inakala ko na isa lamang syang guni guni. Ngunit hindi pala. Sya pala ay ang totoong ako. Sya na pala ang nakikita ng lahat. At ako? hindi na nila ko nakikta. Kasama ko ang iba pang anino ng mga taong binago ng panahon. Magmamasid sa dahan dahang pagkalugmok ng lahat sa kalungkutan dala ng galit at takot...

No comments: