Masaya ngunit umaapaw ang poot..
Mga ngiti ng punong puno ng luha..
Bunga ng pagmamahal ay tinik...
Aking tanggulan,ngunit nadadama'y pasakit..
Masayang simula san na napunta..
Pangakong sinambit biglang sumikip..
Salitang matamis naging mapait..
Mainit mong haplos,sampal na masakit..
Kaligayhang natuyo...
Luhang hindi na matigil..
Sugat lumalim bawat sandali..
Pag-ibig umaapaw ng hinagpis..
Nasan unang nadama..
pakiramdam na hinahanap..
langit ay abot tabi..
ngayon impyerno lang...
Ilaw na unting naglaho..
hangin unting nilalason..
ang aking buhay..
ang aking katapusan..
Bulag ka sa luha ko..
Bingi ka sa tawag ko..
Manhid ka sa kalabit ko..
Iyong mahal,Di mo pansin..
Ako'y Puno pa din,
Pagmamahal tulad ng dati..
Umaasa na dumating ang araw,
Madama ang unang nadama..
-I love you.. I'm so sorry....
Behind The Scenes - First Silent Film Project
14 years ago
No comments:
Post a Comment