Mag aral tayo ng English...
Adjectives: Miserable, Toxic
Noun: Office, Vanessa
Pronoun: Panu kung bisexual? he o she? it na lang.
Verbs: Talk (pero non-stop)
duh.
ilan lang yan sa mga bitterness na may significance sa buhay ko ngayon. Nausog ko yata kagabi yung trabaho ko, kasi from being a wallflower na walang ginagawa at nakatunganga mag hapon dahil wala pa kong student na tinututuan mag english, ngayon naman hinulugan ako ng langit ng 11 students LANG NAMAN! pero pasalamat narin ako kasi sabi nila konti lang yun, so mag panic ako pag mga 30 students na...ano?!!! whaaa!! ang hirap maging korean english teacher. Lagpas isang taon ko na halos to ginagawa, at ilang beses ko na rin sinumpa. Ayoko na sana balikan pa, pero ayoko din maging bum. Hindi madali maghanap ng trabaho ang fresh grad na katulad ko, talo talo narin to. kainins yang mga koreano na yan, kala mo kung sino. Kailangan ko pa mag panggap na hindi pilipino dahil ayaw nila ng asian. Katwiran nila asian din sila. Lagpas langit ang pride, wala naman alam kung hindi makinabang sa katalinuhan ng iba. Eh anu naman kung asian tayo pareho, eh nung nag hulog ng katalinuhan ang langit nsa kusina ang mga koreano at nag gagawa ng kimchi, habang ang mga pinoy nasa kanto tumatagay! kaya saten napuntga ang katalinuhan. Amen? Amen! Nakakairita talaga, nasira ang araw ko. Gusto ko silang pag tripan at sabihin at the end of the class na pinoy ako, eh di naisahan kita ngayon? pero syempre malapit na ang sweldo, kaya ititikom ko na lang ang bibig ko sa ngalan ng anda. carry nayon... anu ba ang kinahihimutok ko? actually, hindi kasi ko nakakain ng ice cream ngayon ;( dahil wala kong time bumaba. yun lang yun.
Behind The Scenes - First Silent Film Project
14 years ago