huh?
anu yun?
"diba nagttrabaho yun sa bar? haha! putcha, malaki pa siguro kita nun sakin. "
minsan iniisip ko kung tanga lang ba talaga ko o sadyang inosente sa maraming bagay. sabagay, masisisi mo ba ko na hindi sanay sa mga salitang kanto eh lumaki naman akong walang kausap. three years ago, habang nakatambay ako sa trabaho, tinanong ako ng bestfriend ko kung break na kami ng magaling kong boyfriend na walang alam gawin kung di hanapan ako ng mali sa buong pagkatao ko. hobby nya yun eh, kung bakit, di ko na inalam. sa katagalan kasi nawalan na ko ng pakelam.
"kami parin syempre, kahit naman isang libong beses ako makipaghiwalay dun di yun tatablan", ang kagagahan kong pangangatwiran...
"masochista ka, bahala ka sa buhay mo" , ang sagot ni bff.
at ang mga sumunod ay ang walang kauturan kong tanung, eh first time ko narinig yun eh. natawa lang talaga ko. yun lang, it doesnt make any sense to me. pero sa totoo lang di na yun nawala sa isip ko. masochista ba ko? ayon kay mr.webster-wannabe na tropa ko, ang masochista daw ay yung mga tao na nasasaktan pero nakakaramdam parin ng pleasure o satisfaction. mga taong nag eenjoy sa sakit...nagpapakalugmok, parang ganun.
ewan ko ba, siguro nga masochista ko.
mas malinaw na palusot yun at mas madaling tanggapin kesa paniwalaang nagtatangatangahan ako noon.
ilang taon na ang nakalipas pero ganun parin ako, walang effort mag bago. nagpapakalugmok parin sa mga bagay na puro sakit lang naman ang napapala ko.
pero sabi nga nila, "no pain, no gain."
minsan-minsan may katiting din naman na saya na biglang sumusulpot sa kabila ng sakit.
yun nga ba? o sadyang pinaka mahirap lang gisingin ay yung nagtutulug-tulugan?
both na lang ;)

2 comments:
ay ay ay.. si alvin ba ito?
hindi naman po
Post a Comment