katamaran.
marami yan patutunguhan.
pero hindi naman ako palaging tamad eh, minsan wala lang talaga ko magawa. Araww-araw nasa trabaho ko na literal na nakatunganga sa harap ng pc. Kung dati sabik ako mag internet, ngayon suko talaga ko, ako na ang umaayaw. wantusawang net ba naman eh, ang hirap maging trainee, parang walang tiwala sayo na kaya mo na magtrabaho. kaya maya't maya sumasama ko sa mga pips na bumababa sa labas ng building, sinisinghot ko yung usok ng yosi nila para mawala ang antok ko. Nakakatuwa, lagi kami napupunta sa mini stop, nung una para lang sa utos ng kung sino sino. Pero ang saya may promo sila ng hershey's ice cream. Pamatay grabe! Kaya tuwing tinatamad ako, hinahatak ako ng paa ko pababa ng building para magpaka baliw sa ice cream na yan. Nakakawala ng badtrip eh, mas okay pa kesa makipag chismisan. Pero syempre ang buhay kill joy yan, ikalulungkot ko ang araw na matapos na ang promo ng hersheys at mawala na yung 15 pesos na ice cream ko. kung kinakailangan ko bumili araw araw para magtagal pa sya sa kinalalagyan nya gagawin ko. Bakit hindi nalang maging permanente ang mga bagay bagay na maganda? Sa ngayon eto lang ang kaligayahan ko ;) life's simple pleasure na malamang panandalian lang.
Behind The Scenes - First Silent Film Project
14 years ago
1 comment:
bakit puro pagkain ang blog nyo ni ara? nagugutom nako talaga...
Post a Comment