Ohh my Gibo! nasan ka na? ikaw ay isang Grad ng Harvard at bar topnotcher at may so called info-mercial pa.. ngunit nasan ka na pagkatapos ng bagyong Ondoy? panu na pag naging president ka pa? ilang ondoy pa ang dadaan para maging worthy ka naman ng boto ng madla? Madaming tao na normal ang nakakagawa ng hindi normal para makatulong sa mga nangangailangan. anong ginagawa mo kung hindi umikot lang ng umikot sa chopper buong araw? ngayong sa ikatlong bagyo simula kay ondoy. ang humuharap na lang sa tv ay spokesperson ng NDCC? bakit?
To the aspiring presidents:
BAYANI-simple at practical,sadyang di ka lang talaga maintindihan ng mga taong tinagalog na ngunit gusto pa din magpakapasaway.
VILLAR-Magaling-wag mu lang ihalo ang business sa politics at nakakturn off ka dahil gumamit ka ng kanta ng 6 cycle..hehe
JAMBI-ha? natangay ka na ba ng bagyo?
CHIZ-maappeal sa masang bata,kamuhka ni bamboo,idealistic,gawin mo namang totoo mga ideas mu.. at biglang naging baduy dahil sa gusto niyang mangyari na ipasa lahat ng students dahil sa mga calamities.. ok siya pakinggan pero nagpapakahirap kame sa grade.. mas nakakagaan ng loob na pinaghirapan ang grade.
NOYNOY-pangarap ko na ituloy mo ang demokrasya ng pinas.. magiging icon ka.. sana naman gumawa ka ng action.
ERAP-nagsawa na ang pinoy sa matalino kaya ka sinubukan.. pumalya ka na.. guguho na ang pinas pag naulit..
solusyon sa Pinas? wag umasa sa Gobyerno.. simula magbago sa sarili mo..
ikaw? kaya mo namang itago ang laman ng kendi mo sa bulsa hangang makahanap ka ng maayus na basurahan.. kayong may celfone na loud speaker,hindi gusto ng nasa piligid mo ang kanta na pinatutugtog mo,sana mahulog celfone mo at masira,nakakadagdag ka ng noise pollution,wag ka maging buraot.tapos pag maayos na lahat ng pinoy,pasabugin ang NDCC,DENR at ibigay ang pera sa PAGASA para naman may worth lahat ng pinag hihirapan nila. Hindi naman matatauhan mga politicians natin e.. Tulad ni Gus,malapit na ang election at gumagawa ng subliminal na message parang ganito
every body has the right to(in very small letters kahit 20/20 di mababasa VOTE(super big font)
a public msg from(in very small letters na naman) gus(anu pa ba? super laking font na naman)
so maiintindihan mo lang e vote Gus.. bongga di ba?
nung PPCRV pa ako may rule na no campaign materials 20meters from the precint.. so anu ginawa? nagdonate siya ng tubig sa bawat presinto ng may pangalan niya so makikita ng lahat ng botante.. buti nakita ko kaya pinatanggal lahat.. haynaku..
isa pa ang polwatchers ng mga kandidato,napakalaki ng pangalan nila sa I.D. e di nga sila nangangampanya pero makita ang pangalan nila bago bumoto alam na.. madadala ang mga ibang hunghang na botante.. haynaku... kaya takot macomputerized ang election,hindi sila makakapag dayaan.. ewan ko.. basta kung lahat tayo mabuting mamayan e maayus pinas.. pag nakakita kayo snatcher at holdaper,kuyugin niyo bago pa dumating ang pulis para naman maavenge niyo ung mga nabiktima nila.. sana mga pulitikong magnanakaw e makuyug natin noh? karamihan e magnanakaw din tulad nila,nakabarong lang sila at mukhang kagalang galang.. dapat ipatugtug sa paligid nila palage ang kanta ni Gloc 9 na Upuan,sapul sapul sa butas ng pwet ng pulitiko yung kanta na iyon..