ganito yan eh. sabihin na lang natin na masarap talaga pag first time. april 11- 3rd anniversary namen ni alvin. syempre excited ang lola mo. every year nakasanayan na namin mag plano. pero hindi ngayon. siguro nagkatamaran kami kasi nga naman, san nga ba kami magliliwaliw eh black saturday. february pa lang talaga praning na praning na ko eh, pag tinatanong ko naman ang magaling kong boyfrend puro bahala na ang sagot. ayan tuloy, thursday, dalawang araw bago ang anniv na yan, nag world war 3 pa kami. eh feeling ko tinatamad sya eh, habang ako excited. pero hindi naman pala, kaya 30 minutes bago mag alas dose nung april 11, naisipan ko na makipag bati. pero san nga ba kami pupunta? bwisit, bahala na.ayun na nga, nakisali pa yung panahon, medyo di pangkaraniwan yung init, nag mall muna kami. san pa ba? eh di sa town center na lang at least dun cool yung mga tao, mga conyo. hehe, marami kami magagawa, kasi marami kami makukutya. hobby kasi namin yun, magparamihan ng points sa makakasalubong na:
1,) may dalang baso ng starbucks na katiting na lang ang laman
2.) mag dyowa na tibo
3.) success story (t.h. na babae+jowa na kano)
nakakapagod din pala mang gago ng mga tao minsan, naisipan na lang namin mag chill.pinili namin syempre yung muka kaming mayabang. dun kami sa nsa gitna ang location. the coffee bean is the place to be. medyo bitter kami habang iniinom ang so called "caramel shake" ???? kainis eh, san lupalop ba nangaling yung caramel na nilagay dun para malagasan kami ng 320.00??? eh hibla lang naman yung caramel na nakita ko na nakalagay dun. nagkasundo kami na every 15 minutes lang kami iinom pra medyo bawi bawi nga naman. LOL. kaya ayun, lahat ng pwede namin pag tsismisan eh go go go. pero mayat maya kami nagiging bitter pag naaalala namin yung 320. may mga what if's...(parang break up lang) katulad ng pano kung nag quickly na lang kami, o kaya konti na lang yung fave meal na sana namin sa sbarro...at eto ang malupit, sana nag caramel sundae na lang kami sa mc do. sana halos 12 pcs. din ang nabili namin, tag anim sana kami, tignan ko lang kung matakam pa kami sa caramel sa loob ng sampung taon. eh kaso mga maarte kami, gusto namin dun.
nung gabi na, naisip namin lumipat kung saan, on the way eh may nakita ko at tinuro ko sa kanya. bigla syang nag yaya bumaba! teka muna bakit dun, nag dalawang isip ako, eh malay ko ba kung masarap yun, pero gusto nya eh, mapilit. eh di go na. at yun ang bumuo sa araw ko ng hindi ko inaasahan. mula non hinahanap hanap ko na talaga, no joke! try mo din, masarap promise. Sinangag Express- also popularly known as SEX. Sarap, may tapsi,longsi,liemsi,etc...etc...bsta may itlog un lahat. tapos lagyan mo maraming ketchup!!! may chilled taho pa, pero di ko pa natikman, marami pa namang next time ;)
located at:
Pedro gil
Las Pinas
Paranaque
san pa ba? may alam ka?
* mag caramel sundae ka na rin pagtapos
anu, asar ka no? wholesome 'to.